NAT Reviewer (2) - Araling Panlipunan IV


NAT REVIEWER 2 - ARALING PANLIPUNAN IV

1.       Bakit na itinuturing na isang agham ang ekonomiks?
Ⓐ    Sumasaklaw ito sa pagpapahalaga sa kultura at tradisyon ng bansa.
Ⓑ    Pamamahagi ito ng kita ng pamahalaan sa mga taumbayan.
Ⓒ    Pagsama-sama ito ng mga datos para pag-aralan ang bilang ng mga 
        nandadayuhan sa bansa.
Ⓓ    Ito’y paghati-hati ng mga limitadong pinagkukunang-yaman para matugunan 
        ang mga pangangailangan ng tao sa lipunan.

2.       Ang sibika ay tumutukoy sa maayos na pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan sa isa’t-isa at sa pamahalaan.  Binibigyan pansin dito ang mga tungkulin at karapatan ng bawat panig.  Alin sa mga pangyayari ang nagpapamalas ng ganitong ugnayan sa pagitan ng ekonomiks at sibika bilang isang agham panlipunan?
 Ⓐ    Nahirapan si Mang Ben na dalhin sa pamilihan ang ani dahil sa sira-sirang kalsada.
 Ⓑ   Maginhawang natapos ang pag-aaral ni Rey dahil sa iskolarship na bigay ng pamahalaan.
 Ⓒ   Matapat na nagbabayad ng buwis si Luis mula sa kinikita niya sa kaniyang negosyo.
 Ⓓ   Mabilis ang pag-asenso sa buhay ni Rica dahil sa kaniyang pagsisikap.

3.       Ang Ekonomiks ay isang agham panlipunan.  Bakit dapat itong pag-aralan?
Ⓐ    Ito ay may kinalaman sa mga bagay sa lahat ng dako ng daigdig.
Ⓑ    Malaki ang ginagampanan ng ekonomiya sa pulitika ng bansa.
Ⓒ    Pinahahalagahan nito ang kalikasan na tumutustos sa malaking bahagi ng tao.
Ⓓ    Nalalaman dito ang tamang alokasyon ng limitadong pinagkukunang-yaman 
        upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao.

4.       Ang damong carragheen na ginagamit sa paggawa ng gulaman ay halaw o
       galing sa anong uri ng pinagkukunang-yaman?
Ⓐ     yamang tubig          
Ⓑ    yamang gubat          
Ⓒ    yamang mineral      
Ⓓ   yamang enerhiya

5.       Alin sa mga sumusunod na yaman ang pinanggagalingan ng bato at buhangin na ginagamit sa paggawa ng hollow blocks?
Ⓐ    mineral                       
Ⓑ   enerhiya                     
Ⓒ   gubat                           
Ⓓ   lupa

6.       Alin sa sumusunod na mineral ang maituturing na di-metal?
Ⓐ   aluminum                   
Ⓑ   nickel                           
Ⓒ   asbestos                     
Ⓓ   tanso

7.       Sa anong paraan ipinahihiwatig ng pamahalaan ang kahalagahan ng yamang-tao?
Ⓐ   Ang paghikayat ng pamahalaan sa mga mamamayan na magtrabaho sa ibang bansa upang kumita ng dolyar. 
Ⓑ   Pagbibigay ng pamahalaan ng mataas na kalidad ng edukasyon at serbisyong pangkalusugan sa taumbayan.
Ⓒ   Ang pagpapahaba sa araw at oras ng trabaho ng mga manggagawa upang madagdagan ang kanilang kita.
Ⓓ   Pagbabawal sa mga kumpanya na umupa ng mga manggagawang walang sapat na kasanayan sa kanilang trabaho.

8.       Ang mga manggagawang may kasanayan sa kanilang trabaho ay lubhang kailangan ng bansa.  Dagdag pa dito na kailangang nagtataglay sila ng malulusog na katawan at sapat na talino upang maiangat nila ang antas ng kanilang kabuhayan.  Kapag ang mga manggagawa ay nagtataglay ng ganitong mga katangian, ano ang maaaring mangyari sa ekonomiya ng bansa?
Ⓐ   Uunlad ang kabuhayan ng bansa.
Ⓑ   Mabilis na mauubos ang mga manggagawa dahil nagpupuntahan sila sa ibang bansa.
Ⓒ   Madadagdagan ang gastos ng pamahalaan sa pagsasanay sa mga manggagawa.
Ⓓ   Dadami ang mga negosyante na nangangailangan ng ganitong kalidad na mga manggagawa.

9.       Paano mapahahalagahan ang yamang tao ng bansa?
Ⓐ   Pag-udyok sa mga tao na maghanapbuhay sa ibang bansa.
Ⓑ   Pagpapaanib sa mga tao sa ibang relihiyon.
Ⓒ   Pagtuturo ng tamang ugali at naaangkop sa kasanayan sa gawain.
Ⓓ   Sapilitang pagpapakuha sa mga tao ng kurso na kanilang pag-aaralan.

10.   Ang kakapusan ay nangyayari kapag ang supply ng pinagkukunang-yaman ay hindi sapat upang matugunan ang pangangailangan ng ekonomiya.  Alin sa mga sumusunod ang pangunahing palatandaan ng kakapusan?
Ⓐ   pagtaas ng antas ng kriminalidad 
Ⓑ   pagtaas ng antas ng kahirapan                     
Ⓒ   pagtaas ng bilang ng mga Overseas Filipino Workers
Ⓓ   pagtaas ng halaga ng utang panlabas ng pamahalaan

11.   Ang kakapusan ay ang pangunahing suliranin ng ekonomiya.  Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nagpapahiwatig ng kakapusan sa pamilihan?
Ⓐ   Dumadami ang nangangalakal sa black market.
Ⓑ   Madalas ang sale sa mga tindahan.            
Ⓒ   Laganap ang panic buying at hoarding.
Ⓓ   Bumababa ang presyo ng mga bilihin.

12.   Kailan masasabi na may kakapusan sa isang lugar?
Ⓐ   may kaguluhang pulitikal  
Ⓑ   mabilis ang paggawa ng mga produkto                                                     
Ⓒ   labis ang produkto sa pamilihan
Ⓓ   limitado ang suplay ng mga kalakal

13.   Ang pangangailangan ay pangunahing ginagamit ng tao gaya ng pagkain, tirahan at pananamit.  Ano naman ang mga tinuturing na kagustuhan?
Ⓐ    mga bagay na kailangan upang mabuhay ang tao     
Ⓑ    mga bagay na tinuturing na luho ng tao 
Ⓒ   mga bagay na mabilis maubos                       
Ⓓ   mga bagay na kathang isip lang ng tao

14.   Ang mga pangangailangan ng tao ay mga materyal na bagay na tumutukoy sa mga pangunahing ginagamit ng tao para mabuhay.  Alin ang naglalarawan sa kagustuhan?
Ⓐ   Ito ay pansamantalang naaangkin at di maaaring ipagliban na pangangailangan.
Ⓑ   Ginusto ng tao dahil nakapagdudulot ito ng kasiyahan.  
Ⓒ   Nakukuha ito sa madaliang pamamaraan.
Ⓓ   Nagagamit ito sa pansariling kapakanan lamang.

15.   Ano ang kahalagahan ng paggamit ng billboards ng mga negosyante upang ipaanunsyo ang kanilang mga produkto?
Ⓐ   Ipamalas ang makabagong teknolohiya sa pag-aanunsyo.
Ⓑ   Maipabatid na ang paanunsyo ang pinakamabisang paraan ng pangangalakal.
Ⓒ   Akitin ang mga konsyumer na tangkilin ang kanilang mga produkto.
Ⓓ   Ipakilala ang mga artistang nag-iindorso ng kanilang mga produkto.

16.   Bakit umuupa ng mga artista ang kumpanya para mag-indorso ng kanilang produkto?
Ⓐ   Palaging pinag-uusapan ng tao ang buhay ng artista.
Ⓑ   Magaling magpakilala ng produkto ang mga artista.
Ⓒ   Ginagaya ng mga konsyumer ang ginagawa ng mga artista.
Ⓓ   Mamahalin ang mga produktong ini-indorso.

17.   Alin ang nagpapakita ng mabuting epekto ng pag-aanunsyo sa isang produkto?
Ⓐ   Si Mang Fermin ay bumibili ng mura at may kalidad na gamot.
Ⓑ   Bumili si Jinky ng shampoo dahil sa maganda ang buhok ng modelo.
Ⓒ   Binilhan ni Romeo si Juliet ng bulaklak dahil kaarawan ng dalaga.
Ⓓ   Bumili si Mark ng bagong sapatos upang gayahin ang kaniyang kaklase.

18.   Ang produksyon ay nagaganap sa mga bahay-kalakal.  Ang namumuno sa isang bahay-kalakal ay ang entreprenyur o negosyante.  Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng entreprenyur?
Ⓐ   nangangapital ng negosyo                                  
Ⓑ   pinuno o lider ng lahat ng mga manggagawa              
Ⓒ   taga-angkat ng mga produkto sa ibang bansa
Ⓓ   pinapadala sa ibang bansa upang mamagitan sa mga problema ng mga manggagawa

19.   Ang salik ng produksyon na ginagamit muli upang makabuo ng panibagong produkto.
Ⓐ   lupa                               Ⓑ   kapital                          Ⓒ   entreprenyur            Ⓓ   paggawa

20.   Si Tony Dy ay may pagawaan ng pansit.  Mabait at marunong siyang makisama sa kaniyang mga tauhan.  Madali siyang kausapin kapag may problema ang pamilya ng kaniyang mga tauhan. Sa ganitong sitwasyon, ano ang dahilan ng tagumpay ng kaniyang negosyo?
Ⓐ   Mahusay siyang makitungo sa kapwa.
Ⓑ   Mahusa siyang magplano ng negosyo.
Ⓒ   Mabilis siyang magbago ng pasya.
Ⓓ   Marunong siyang magpalakad ng negosyo batay sa sariling kapakanan.

21.   Kung minsan ang pagsisimula ng negosyo ay parang sugal. Tulad na lamang ni Mang Tommy na naglagay ng malaking puhunan sa kaniyang negosyo sa paniniwalang kapag magtagumpay siya ay malaki ang kaniyang kikitain. Hindi nga siya nagkamali dahil nagtagumpay siya.  Anong katangiang taglay ni Mang Tommy ang nagdala ng tagumpay sa kaniyang negosyo?
Ⓐ   bihasa sa pakikipagnegosasyon                         
Ⓑ   marunong siyang sumunod sa payo
Ⓒ   sanay tumakas sa responsibilidad                                
Ⓓ   masigasig at may lakas loob makipagsipalaran

22.   Si Mr. Alfonso ay may-ari ng isang kompanya. Ilang bahagi ng kaniyang kinikita ay kaniyang iniipon at ipinambibili ng iba pang makina upang mapahusay ang kanilang produkto.  Ano ang katangian ni Mr. Alfonso na nakatulong sa pagpa-unlad sa kaniyang negoyo?
Ⓐ   Pabagu-bago siya ng pasya.  
Ⓑ   Mahusay magpalago ng negosyo.                                               
Ⓒ   Mabuti siyang makitungo sa kapwa.
Ⓓ   Marunong siya mangalaga ng sariling interes.

23.   Alin sa mga sumusunod ang salik na nakapagpapababa ng demand sa kotse sa pamilihan?
Ⓐ   pagtaas ng presyo ng petrolyo                                       
Ⓑ   pagbaba ng singil sa rehistrasyon
Ⓒ   pagbaba ng presyo ng gulong                       
Ⓓ   pagtaas ng antas ng aksidente

24.   Bakit maaaring bumaba ang demand ng kape kapag tumataas ang presyo ng asukal?
Ⓐ   Ang kape at asukal ay magkatunggaling produkto.
Ⓑ   Ang asukal ay walang gamit kung wala ang kape.
Ⓒ   Ang kape at asukal ay magkaugnay na produkto.
Ⓓ   Limitado ang produksyon ng kape kapag mataas ang presyo ng asukal.

25.   Dati kaunti lamang ang mga makinang gamit ni Aling Sally sa pananahi ng burdadong damit. Ngunit paglipas ng mga taon nakaipon na rin siya ng dagdag na puhunan para makabili ng mga bagong yunit ng makinang pamburda.  Naging mabilis at marami ang mga natahing burdadong damit.  Ano ang naging epekto ng karagdagang makina sa patahian?
Ⓐ   Naaliw si Aling Sally sa mabilis na pananahi.
Ⓑ   Nawalan ng gamit ang iba pang makinang  pantahi ni Aling Sally.
Ⓒ   Nadagdagan ang gastusin ni Aling Sally.
Ⓓ   Lalong naparami ang mga natahing damit.

26.   Alin sa mga sumusunod ang salik na nakapagpapataas sa antas ng produksyon at suplay ng produkto?
Ⓐ   paggamit ng angkop na teknolohiya                
Ⓑ   pagmahal ng mga salik ng produksyon
Ⓒ   pagdami ng bilang ng mga mamimili           
Ⓓ   pagtaas ng demand para sa produkto

27.   Kapag buwan ng Hunyo mataas ang demand sa mga school supplies tulad ng notebook, bolpen, at iba pa.  Ano ang inaasahang mangyayari sa suplay ng mga ito?
Ⓐ   dadami                         
Ⓑ   mawawala                  
Ⓒ   mababawasan                          
Ⓓ   pareho pa rin

28.   Ang produksyon ay tumutukoy sa paglikha ng mga bagay o serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng tao.  Alin sa mga sumusunod ang negatibong nakaaapekto sa suplay ng kalakal?
Ⓐ   kakulangan ng kaalaman sa pangangalakal bilang isang entreprenyur
Ⓑ   kawalan ng kakayahan ng lakas-paggawa ukol sa wastong pagtatagumpay ng trabaho
Ⓒ   kakulangan ng puhunan para sa pagtatagumpay ng kalakalan
Ⓓ   lahat ng nabanggit

29.   Sa anong istruktura ng pamilihan nabibilang ang industriya ng vetsin sa Pilipinas?
Ⓐ   monopolyo                                                                                
Ⓑ   oligopolyo
Ⓒ   monopolistikong kompetisyon                                                                            
Ⓓ   ganap na kompetisyon

30.   Ang pamilihan ay may dalawang anyo o istruktura : ganap na kompetisyon at di-ganap na kompetisyon.  Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang ganap na kompetisyon?
Ⓐ   magkakaiba ang uri ng tatak ng produktong ikinakalakal
Ⓑ   limitado ang daloy ng pinagkukunang-yaman sa pamilihan
Ⓒ   malayang nakakasali at nakakaalis ang namumuhunan sa industriya
Ⓓ   nasa ilalim ng pamahalaan ang pangangasiwa sa industriya

31.   Kailan masasabi na may istrukturang oligopolyo sa pamilihan?
Ⓐ   kung limitado ang suplay ng produktong kinakalakal
Ⓑ   limitado ang daloy ng pinagkukunang-yaman sa pamilihan
Ⓒ   malayang  nakakasali at nakakaalis ang namumuhunan sa industriya
Ⓓ   kung may iilang mga industriya ang gumagawa at nagbebenta ng pareparehong produkto o serbisyo

32.   Alin sa mga sumusunod na pamamaraan ang tamang pagsukat ng pambansang kita?
Ⓐ   pagsama-sama sa kita ng mga kapitalista
Ⓑ   pagsama-sama sa kita ng bawat pamilya
Ⓒ   pagsama-sama sa kita at gastusin ng pamahalaan taun-taon
Ⓓ   pagsama-sama sa mga gastusin ng iba’t-ibang sektor at kita ng bawat salik ng produksyon

33.   Aling sukatang pang-ekonomiya ang kumakatawan sa kontribusyon ng mamamayang Pilipino sa kabuuang produksyon ng kalakal at serbisyo ng Pilipinas sa loob ng isang taon?
Ⓐ   National Income      
Ⓑ   Personal Income     
Ⓒ   Gross Domestic Product      
Ⓓ   Gross National Product

34.   Alin sa mga sumusunod ang naging sanhi ng implasyon?
Ⓐ   pagtaas ng halaga ng piso laban sa dolyar
Ⓑ   pagbaba ng pagkonsumo ng produkto sa pamilihan
Ⓒ   kawalan ng panustos sa produkto na kinakailangan ng mga mamimili
Ⓓ   pagkakaroon ng debalwasyon o pagbaba ng halaga ng piso laban sa dolyar sa pandaigdigang 
       pamilihan

35.   Ang implasyon ay ang pagtaas ng presyo ng bilihin sa pamilihan.  Ano ang negatibong epekto ng implasyon sa ekonomiya?
Ⓐ   paghina ng halaga ng salapi sa pamilihan       Ⓒ   pagbagsak ng suplay ng mga produkto
Ⓑ   pagdami ng suplay ng pera sa sirkulasyon     Ⓓ   pagluwas ng mga kalakal sa ibang bansa

36.   Ang buwis ang pangunahing pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan.  Alin sa mga sumusunod ang buwis na ipinapataw sa benta ng ilang kalakal at serbisyo?
Ⓐ   real property tax                                           Ⓒ   inheritance tax
Ⓑ   personal income tax                                      Ⓓ   value-added tax

37.   Ang isang pinanggagalingan ng kita ng pamahalaan ay ang buwis sa adwana.  Alin sa sumusunod ang tumutukoy dito?
Ⓐ   binabayarang selyo sa iba’t-ibang dokumento
Ⓑ   binabayarang porsyento ng halaga ng lokal na kalakal
Ⓒ   porsyentong buwis na binabayaran ng mga may-ari ng pabrika
Ⓓ   halagang binabayaran kapag namili ng mga bagay na galing ibang bansa

38.   Sa ilalim ng pamunuan ni Pang. Corazon Aquino inumpisahan ng pamahalaan ang pagbenta ng maraming pampublikong ari-arian upang makalikom ng karagdagang pondo.  Ano ang tawag sa pamamaraang ito?
Ⓐ   privatization                                                       Ⓒ   Official Development Assistance
Ⓑ   pork barrel                                                        Ⓓ   Build-Operate-Transfer Scheme

39.   Ang mga proyektong pampubliko ay di matutugunan kung walang sapat na pananalapi ang pamahalaan.  Sa mga pinagkukunan ng salapi ng pamahalaan, alin ang hindi kasama?
Ⓐ   buwis                                                                 
Ⓑ   dayuhang pagkakautang
Ⓒ    pension ng mga retiradong kawani ng pamahalaan                                      
Ⓓ    taripa mula sa inaangkat na kalakal

 Tahahanayan 1 – MGA APRUBADONG UTANG MULA SA WORLD BANK 
                                                     NOONG 1998 – 2004

                    PROGRAMA                                                       PONDO MULA SA WB (US$)                                                                                                                     
1.       Third Rural Finance Project (Dec. 3, 1998)                                                     150 M
2.       LGU Urban Water & Sanitation Project (Dec. 16, 1998)                               23.3 M
3.       Local Govt. Finance & Development Project (Mar. 23, 1999)                         100 M
4.       Mindanao Rural Development Project (Dec. 2, 1999)                                     27.5 M
5.       First Nat. Road Improvement and Mgt. Project (Feb. 15, 2000)                      150 M
6.       LGU Urban Water & Sanitation Proj. APL (Oct. 18, 2001)                               30 M
7.       Second Agrarian Reform Communities Dev. Proj .(June 4, 2002)                     100 M
8.       Second Agrarian Reform Communities Dev. Proj .(Nov. 25, 2002)                    50 M
9.       Autonomous Reg. of Muslim Mindanao (ARMM)
Social Fund Project (Dec. 5, 2002)                                                                  33.6 M
10.   Judicial Reform Support Project (Aug. 19, 2003)                                             21.9 M
11.   Rural Power Project (Dec. 4, 2003)                                                                    10 M
12.   Laguna de Bay Institutional Strengthening and Community
Participation (LISCOP) Project (Dec. 4, 2003)                                                     5  M
13.   Electric Cooperation System Loss Reduction Proj. (Apr. 29, 2004)                     12 M

40.   Base sa aprubadong utang mula sa World Bank noong 1998 – 2004 na makikita sa Talahanayan 1, ilang porsyento ng kabuuang pondo ang napunta sa Third Rural Finance Project?
Ⓐ   21.03%                         Ⓑ   24.03%               Ⓒ   25.03%                         Ⓓ   20.73%

41.   Ayon sa ipinakita sa Talahanayan 1, alin sa mga sumusunod na programa ng pamahalaan ang nakakuha ng pinakamaliit na pondo?
Ⓐ   Rural Power Project (Dec. 4, 2003)                 
Ⓑ   Mindanao Rural Development Project (Dec. 2, 1999)
Ⓒ   Electric Coop. System Loss Reduction Project (Apr. 29, 2004)
Ⓓ   Laguna de Bay Institutional Strengthening and Community Participation (LISCOP) Project 
       (Dec. 4, 2003)
               
42.   Maraming kalamidad na ang kumikitil sa buhay ng tao.  Kailangan ang wastong paggamit at pagpapahalaga sa kalikasan.  Alin ang hindi kasama sa pagpapahalaga sa kalikasan?
Ⓐ   ang pagkakaingin ay nakakapinsala sa mga punongkahoy
Ⓑ   ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa likas na yaman
Ⓒ   ang paggamit ng dinamita sa pangingisda ay bawal  
Ⓓ   ang maaksayang paggamit ng langis, karbon at natural gas

43.   Kailangan magtipid ang mga mamamayan upang malutas ang krisis sa kakapusan.  Ang mga sumusunod ay banta o indikasyon ng kakapusan maliban sa isa.  Ano ito?
Ⓐ   kapag walang nagkakasakit
Ⓑ   kapag mataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin
Ⓒ   kapag may mahaba na pila sa tindahan ngunit wala namang mabibili
Ⓓ   kapag pilit na umaangkat ang pamahalaan kahit naghihirap

44.   Ang kakapusan ay kaakibat ng lipunan.  Ano ang maaaring gawin ng pamahalaan kung dumadanas ng kakapusan ang bansa?
Ⓐ   limitahan ang pagbebenta ng mga pangunahing produkto
Ⓑ   bumili ng mga produkto sa ibang bansa upang magkaroon ng suplay
Ⓒ   magdeklara ng “state of emergency” para mahuli ang mga nagtatago ng suplay
Ⓓ   magkaroon ng  “allocation data” bawat rehiyon at probinsya na siyang namamahala sa mga 
       produktong may kakapusan

45.   Ang pamahalaan ay nais na mapaayos ang kalagayang pangkabuhayan at mabigyan ng magandang serbisyo ang mga mamamayan mula sa pondong nakakalap nito.  Alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan?
Ⓐ   koleksyon ng buwis                                         Ⓒ   tulong mula sa ibang bansa
Ⓑ   paggawa ng salapi                                           Ⓓ   pagbili ng lupaing pag-aari ng pamahalaan

46.   Sa buwis nagmumula ang mga tulay, daan at pambansang gusali at iba pang proyekto ng pamahalaan.  Ano ang tawag sa buwis na pinapataw sa  mga inaangkat na produkto sa pamilihan?
Ⓐ   income tax               Ⓑ   incentive tax              Ⓒ   taripa                       Ⓓ   percentage tax

47.   May iba’t ibang uri ng buwis na ipinapataw ang pamahalaan.  Ano ang tawag sa buwis na ipinapataw sa mga ari-arian?
Ⓐ   buwis sa kita ng korporasyon                             Ⓒ   buwis sa paninda
Ⓑ   buwis sa ari-arian                                               Ⓓ   buwis sa pagtatasa

48.   Hindi maiiwasan ang pagdanas ng recession o pagkalugi ng negosyo. Sa ganitong sitwasyon, ano ang pwedeng gawin ng pamahalaan upang matulungang makaahon ang mga negosyante?
Ⓐ   Bawasan ng pamahalaan ang paggasta sa kalakal at paglilingkod.
Ⓑ   Taasan ng pamahalaan ang pagbubuwis.
Ⓒ   Magkolekta  ng labis na buwis ang pamahalaan.
Ⓓ   Taasan ng pamahalaan ang paggasta sa kalakal at paglilingkod ngunit babaan ang pagbubuwis.

49.   Dapat maging maingat sa paggasta ng salapi ang pamahalaan.  Ano ang kahihinatnan kung magiging maluwag ang pamahalaan sa paggasta ng salapi?
Ⓐ   makikinabang ang taumbayan
Ⓑ   mapapalago ang ekonomiya
Ⓒ   mauubos ang badyet ng hindi pa umaabot sa kalagitnaan ng taon
Ⓓ   mapataas ang produksyon at pamumuhunan sa bansa


50.   Hindi lamang mga indibidwal na tao ang gumagasta, gayundin ang pamahalaan. Alin sa mga pampublikong paggasta ang nararapat bigyang pansin upang mapaunlad at mapataas ang produksyon ng sektor ng agrikultura na siyang nagtutustos ng mga produktong tumutugon sa ating mga pangangailangan?
Ⓐ   Paggasta sa Pangkalahatang Gawain
Ⓑ   Paggasta sa Pambansang Pangangailangan
Ⓒ   Paggasta sa Kagalingang Panlipunan
Ⓓ   Paggasta sa Ekonomikong Paglilingkod


Lifted and edited from DepEd Capiz 2014 PNAT
/hba 01252015


Comments

Popular posts from this blog

To Grin at Hello and Smile at Good-Bye

The Laity of Capiz: A Generation of Heaven’s Blessing

Writing