Reviewers


REVIEWER PARA SA ARALING PANLIPUNAN IV 
              

1.       Ang Ekonomiks ay isang siyentipikong pamamaraan sa pagsusuri ng mga suliraning may kaugnayan at   epekto sa isang ekonomiya.  Ano ang nagpapatunay sa konseptong ito?
A)      Ang Ekonomiks ay may malawak na saklaw sa ating buhay.
B)      Ang Ekonomiks ay hindi nakakaimpluwensiya sa ating kasalukuyang kalagayang pang-ekonomiya.
C)      Ang Ekonomiks ay paraan ng pagsisikap ng tao upang mabuhay lamang.
D)     Sa Ekonomiks, nabibigyan ng kasagutan ang bawat suliranin.

2.       Ang Ekonomiks ay inuring agham panlipunan.  Alin sa sumusunod ang nagpapatunay nito?
A)     nakatuon ang pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa
B)      dito nakasalalay ang pagsibol ng bagong nilalang
C)      dito nababatay ang mga paniniwala at saloobin ng tao
D)     nakatuon ang kagalingan ng bawat tao

3.       Ang paghahangad ng tao na umunlad ang pamumuhay ang nagpabago ng kanyang gawain mula sa simple tungo sa masalimuot na paraan.  Ano ang ipinahihiwatig nito?
A)      Ang uri ng pamumuhay ngayon ay bunga ng nakaraang gawain o paraan upang mabuhay.
B)      Ang nakaraan ang pundasyon ng ating kasalukuyan.
C)      Ang pag-unlad ay bunga ng bukas na kaalaman.
D)     Mayroong pag-unlad sa bawat pagsisikap.

4.       Mapalad ang Pilipinas sa pagkakaroon ng masaganang likas na yaman.  Anong  katotohanan ang nagpapatunay nito?
A)     Ang Pilipinas ay may iba’t-ibang uri ng likas na yaman na lubhang makatutulong sa mga pangangailangan ng mga mamamayan at ng bansa.
B)      Ang Pilipinas ay naging tanyag dahil dito.
C)      Maraming dayuhan ang naganyak pumunta sa Pilipinas.
D)     Bukas ang Pilipinas para sa mga dayuhang mangangalakal.

5.       Suliranin ng ating lupain dulot nang pagkawala ng matatabang lupa na kailangan upang maparami ang produksyon ng produkto na mahalaga sa ekonomiya ng bansa.
A)     pamatay peste                                                 C)  kaingin system
B)      erosyon                                                           D)  illegal logging

6.       Ang mabilis na pagkaubos ng ating kagubatan ay malaking suliranin ng bansa.  Paano ito haharapin ng pamahalaan?
A)     Magkaroon ng “political will” ang gobyerno na ipatupad ang batas at parusahan ang sinumang lalabag dito mahirap man o mayaman.
B)      Hikayatin ang mga mamamayan na magtanim ng mga puno.
C)      Hahayaan na lamang ng pamahalaan ang nasabing suliranin.
D)     Babantayan ang bawat kilos ng mga mamamayan.

7.       Maraming suliraning pangkabuhayan ang nararanasan o kinakaharap ng tao.  Kabilang sa mga ito ang kasapatan ng pagtugon sa pang-araw-araw na pangangailangan kung saan naging limitado ang mga ito sa simula pa lamang.  Alin sa sumusunod ang naging sanhi ng mga ito?
A)   kakulangan         B)  populasyon                  C)  kakapusan                    D)  kasaganaan 

8.       Ang kalagayang pang-ekonomiya ng bansa ay nagbabago dahil sa iba’t-ibang salik na nararanasan nito.  Ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon ng kalamidad na naging sanhi sa pagkakaroon ng . . .
A)      kalabisan            B)  kakulangan                   C)  kakapusan                    D)  kahirapan

9.       Salat ang pinagkukunang-yaman ng bansa upang tugunan ang lahat ng pangangailangan ng mamamayan nito.  Ano ang paraan upang isagawa ang wasto at  pantay-pantay na pamamahagi ng salat na yamang nito?
A)     alokasyon           B)  pagkonsumo                               C)  distribusyon                 D)  pagrarasyon

10.   Isang sistemang pangkabuhayan kung saan binibigyang halaga ang nasyonalismo at ang kapakanan ng estado kaysa kabutihan ng kalagayan ng indibidwal.
A)      kapitalismo       B) komunismo                   C)  pasismo                         D)  sosyalismo

11.   Ang patuloy na pagtaas ng populasyon ay lubhang nakakaapekto upang mapanatili ang balanse ng populasyon at pinagkukunang-yaman ng bansa.  Alin sa mga sumusunod na programa ang mungkahing hakbang ng pamahalaan upang maibsan ang patuloy na pagtaas ng populasyon?
A)     pagplano ng pamilya                                      C) pagpapaliban ng pag-aasawa
B)      pagtatakda ng gulang sa pag-aasawa              D) pag-aasawa ng maaga

12.   Dapat matugunan ang pangangailangan ng bawat tao sa isang bansa.  Alin sa mga ito ang dapat bigyang pansin?
A)      pagkain, damit, tirahan                                   C)  damit, sasakyan at pagkain
B)      tirahan, alahas at sasakyan                               D)  tirahan, trabaho at luho

13.   Ang pagkonsumo ay ginagawa ng tao upang matugunan ang mga pangangailangan at magkaroon ng kasiyahan sa buhay.  Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay nito?
A)      Ang tao ay may sadyang walang katapusang pangangailangan.
B)      Ang tao ay naghahangad na matugunan ang kanilang hilig at pangangailangan upang mabuhay at  masiyahan.
C)      Ang tao ay laging may pangangailangan upang masiyahan.
D)     Ang tao ay laging nasisiyahan sa pagtugon sa pangangailangan.

14.   Ang mga bagay na ating nakikita at naririnig ay nakakaapekto sa ating pagkonsumo.  Suriin kung anong gawain sa ibaba ang maaaring makahikayat sa iyo bilang mamimili upang magkonsumo ng isang produkto.
A)      panonood ng telebisyon                                  C)  pagbabasa ng diyaryo
B)      pakikinig ng radyo                                           D) pagtingin sa billboards

15.   Ang kasanayang entreprenyuryal (entrepreneurial skills) ay mahalagang sangkap sa paglago ng ekonomiya ng bansa.  Ang kanilang kontribusyon ay nauugnay sa . . .
A)     produksyon       B) pagkonsumo                      C) pamamahagi                 D)  pag-imbento

16.   Lahat tayo ay kumukonsumo ng mga produkto na naaayon sa ating pangangailangan at kasiyahan.  Sa pamamagitan nito, inilalarawan natin ang mga uri ng pagkonsumo.  Alin sa mga sumusunod ang hindi uri ng pagkonsumo?
A)      Tuwiran o direkta                                           C)  mapanuri
B)      Produktibo                                                      D) mapanganib

17.   Maraming organisasyon sa negosyo kung saan nakatutulong sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng bawat tao.  Kabilang sa mga ito ay ang isang organisasyon ng negosyo na itinuturing na pinakamatanda at pinakapangkaraniwang uri ng samahan.  Alin sa sumusunod ang inilalarawan ng pahayag?
A)     Isahang pagmamay-ari                                  C) korporasyon
B)      Sosyohan                                                            D) kooperatiba

18.   Isang paglalarawan hinggil sa galaw ng indibidwal na tao, sambahayan, bahay-kalakal, industriya at pamilihan.  Tinatalakay nito ang maliit na yunit pang-ekonomiya ng isang bansa.  Ano ang tinutukoy ng pahayag na ito?
A)     Ekonomiks         B)  Makroekonomiks      C)  Maykroekonomiks    D) Implasyon

19.   Maraming demand na kinakailangan na matugunan ang bawat tao.  May iba’t-ibang paraan kung paano tugunan ang mga ito.  Isang salik ng demand na nakaaapekto sa kakayahan ng mamimili na bumili ng mga produkto at serbisyo.  Anong salik ang tinutukoy nito?
A)      panlasa               B)  kita                           C)  presyo                       D)  espekulasyon

20.   Bilang bahagi ng Ekonomiks, ito ay naglalarawan ng kabuuang kita, pangkalahatang presyo, trabaho, produsyon, at gastos o bayarin.  Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng ekonomiya sa kabuuan.  Ano ang tinutukoy ng pahayag?
A)      Maykroekonomiks                                       C)  Makroekonomiks
B)      Gross National Product                                 D)  per capita income

21.   May iba’t-ibang saklaw ang maykroekonomiks.  Batay sa sumusunod na saklaw, alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang dito?
A)      Sambahayan    B)  bahay-kalakal                  C) samahang-bayan        D  presyo

22.   Sinusukat ang kabuuang halaga ng produkto at serbisyong nagagawa ng ekonomiya ng isang bansa sa loob ng isang taon.  Ano ang ginagamit na panukat upang matukoy ang ganitong kalagayan?
A)      Per capita income                                          C)  Consumer Price Index
B)      Gross National Product                                 D) Marginal Propensity to Consume


23.   Tumutukoy ito sa isang kalagayan kung saan ito ay ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo at lahat ng bilihin sa pamilihan na makatutugon sa pangangailangan ng bawat tao.
A)     Cost push inflation                                          C)  implasyon
B)      Demand pull inflation                                       D)  deplasyon

24.   Ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo sa halos lahat ng pamilihan sa buong ekonomiya ay nakakaapekto sa kalagayang pangkabuhayan ng bawat mamamayan.  Kabilang dito ang pagkakaroon ng implasyon.  Alin sa sumusunod ang hindi sanhi o dahilan ng  implasyon?
A)      Pagtaas ng suplay ng salapi                          C)  pagtaas ng gastos sa produksyon
B)      Pagtaas ng presyo ng langis sa                      D)  pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga pandaigdigang pamilihan                         mamamayan

25.   Ang implasyon ay isang suliraning pangkabuhayan na lubhang nagpapahirap sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan ng isang bansa.  Alin sa sumusunod na pahayag ang paraan para malunasan ang suliraning ito?
A)      Dapat takdaan ang dami ng suplay ng salapi sa sirkulasyon.
B)      Taasan ang gastos kaysa kita.
C)      Kontrolin ang investment sa bansa.
D)     Pabayaan ang mga magsasaka sa mga gawain nito.

26.   May iba’t-ibang institusyon ng pananalapi sa ating bansa.  Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga institusyong ito?
A)      bangko               B)  sanglaan                        C)  paseguruhan               D)  appliance center

27.   Ang patakarang piskal ay ginagamit ng pamahalaan upang mapaayos ang kalagayan ng pananalapi sa bansa.  Ang mga sumusunod ay sanhi ng paggamit ng patakarang piskal maliban sa . . .
A)      pagbubuwis                                                      C)  pagpapairal ng surplus sa badyet
B)      paglaban sa implasyon                                  D)  pagkakaroon ng deficit

28.   May iba’t-ibang pinagkukunan ng pondo ang pamahalaan upang  gamitin para mapaayos ang kalagayang pangkabuhayan ng bansa.  Alin sa sumusunod ang pinakamalaking pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan?
A)     koleksyon ng buwis                                        C)  tulong mula sa mga dayuhang bansa
B)      paggawa ng salapi                                           D)  pagbibili ng mga lupaing pag-aari ng pamahalaan

29.  Alin ang pinakamahalagang dahilan ng pagpataw ng buwis sa mga kalakal na pumapasok sa bansa?
A)      Mapangalagaan ang lokal na produkto.
B)      Mabigyang-sigla ang pag-aangkat.
C)      Makalikom ng mas maraming dolyar.
D)     Makabawi sa buwis na nakapataw sa mga produktong nailuwas sa ibang bansa.

30.  Alin ang makatulong sa paglutas ng implasyon?
A)     maayos na pagbabadyet, pagkokolekta ng buwis at paggugol ng pamahalaan
B)      pagtakda ng tamang presyo
C)      paglimita sa pag-aangkat
D)     paglimita sa produksyon

31.      Alin ang tumutukoy sa paggamit ng pagbubuwis at paggastos ng gobyerno upang mapatatag ang ekonomiya ng bansa?
A)      patakarang piskal                                               C)  patakarang  politikal
B)      patakarang pananalapi                                          D)  patakaran sa kita
     
32.  Ano ang nangyayari kapag sumusobra ang gastos ng pamahalaan kaysa sa nakokolekta nitong buwis?
A)     Nagkakaroon ng depisit sa badyet.                     C)  Nagkakaroon ng surplus sa badyet.
B)      Nagkakaroon ng deplasyon.                                D)  Lumiliit ang utang ng pamahalaan.


33.   Ang pagsasaayos ng mga programang pangkabuhayan ng bansa ay pangunahing layunin ng pamahalaan upang mapangalagaan ang mga mamamayan nito.  Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa patakarang piskal ng pamahalaan?
A)      mapatatag ang kalagayang pampulitika ng bansa
B)      mapataas ang antas ng pagkakautang ng bansa
C)      malutas ang implasyon at kawalan ng trabaho
D)     pagsasaayos ng mga spillover sa ekonomiya

34.   Ang bawat programa ng pamahalaan ay nakatuon sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan nito.  Kaya naging matalino ang mga ito sa paggugol ng pondo na inilalaan sa mga programang pangkabuhayan upang maisaayos ang pamumuhay ng bawat tao.  Ang paggugol na ito ay tinatawag na . . .
A)     patakarang piskal                                                      C)  pambansang kita
B)      pagbubuwis                                                              D)  Gross National Product

35.   Sa lahat ng sektor na tumataguyod sa ekonomiya, hindi ito gaanong umaasa sa pag-aangkat.  Malaki ang naitutulong nito sa kaunlaran ng bansa dahil sagana ang Pilipinas sa likas na yaman at yamang-tao.  Sa kasalukuyan, itinuturing na isang kritikal na sektor sa ekonomiya na nangangailangan ng masusing pansin ng pamahalaan. Alin sa sumusunod ang tinutukoy ng pahayag?
A)     pangingisda       B)  agrikultura                    C)  paggugubat                  D)  pagmimina

36.   Maraming pagbabagong nangyayari sa kasalukuyan na nauugnay sa klima na nararanasan ng ating bansa dulot ng hindi balanseng kalagayang pangkapaligiran.  Ito ay dulot ng suliraning pang-agrikultura kung saan hindi pangkaraniwang pangyayari sa pandaigdigang klima dahil sa pagkakulong ng init ng araw sa atmospera dulot ng karbon dioxide, nitrogen oxide at chlorofluorocarbon.  Anong suliraning pangkapaligiran ang tinutukoy?
A)      polusyon            B)  erosyon                         C)  global warming           D)  pagkaubos ng kagubatan

37.   Ang pagpasok ng Pilipinas sa World Trade Organization (WTO) ay nakapagbibigay ng pagkakataon na makipagkalakalan sa pandaigdigdigang pamilihan at maganyak ang lokal na tagagawa na maging mahusay at maipakita ang kakayahan sa larangan ng kainamang kapakinabangan. Alin sa sumusunod ang nagbibigay daan nito?
A)     APEC                     B)  GATT                         C)  NAFTA              D)  LAFTA

38.   Ang paglikha ng isang produkto ay dumaan sa isang proseso upang maisakatuparan ang pagkakabuo nito.  May mga uri ng mga gawaing pangkabuhayan sa sektor ng industriya na napapabilang ang paglinang ng likas na yaman sa mga lupain at anyong tubig.
A)      Primary               B)  Tersarya                        C)  Sekondarya                  D)  industriya

39.   Upang mapalago ang mga industriya sa bansa, nagtatag ng mga programa at proyekto sa maliliit at katamtamang laking industriya.  Kabilang sa mga ito ang pagpapautang ng Word Bank sa maliliit at katamtamang-laking entrepreyur para sa pangkinabukasang kaunlaran ng mga industriya sa Piipinas.  Aling programa ang tinutukoy dito?
A)     Self-Employment Loan Assistance          
B)      Kabalikat sa Pagpapaunlad ng Industriya
C)      Industrial Guarantee and Loan Fund
D)     Agro-Industrial Technology Transfer Programa

40.   Kabahagi ang pamahalaan sa paggalaw ng ekonomiya.  May mga pangunahing tungkuling ginagampanan ito upang maging maayos ang paggalaw ng ekonomiya.  Alin sa sumusunod ang HINDI tungkulin ng pamahalaan?
A)     Pangangalaga sa pribadong ari-arian
B)      Pagtataguyod sa kompetisyon
C)      Pagbibigay ng maayos na serbisyo sa mga nagbabayad
D)     Pagbibigay ng pampublikong kalakal

41.   Ang yamang-tao ay binubuo ng mga kakayahan, talino, abilidad at lakas ng tao na ginagamit sa paglikha ng mga produkto at serbisyo.  Anong katotohanan ang nagpapatunay nito?
A)      Ang yamang-tao ang lumilinang ng likas na yaman upang matamo ang kapakinabangan ng mga ito.
B)      Ang yamang-tao ang kumakatawan sa bansa.
C)      Ang yamang-tao ang salik sa pag-unad.
D)     Ang yamang-tao ay mahalaga sa ekonomiya.

42.   May panuntunan ang pamahalaan hinggil sa pampublikong paggasta upang matiyak na para ito sa ikabubuti ng nakararami at naaayon sa batas.  Dulot nito, kinakailangang maipamahagi ito ng pantay sa mamamayan ng bansa.  Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pampublikong paggasta?
A)      Panuntunan ng pagtitipid                           C)  panuntunan sa pansariling interes
B)      Panuntunan ng pangangailangan                  D) panuntunan sa pagiging produktibo

43.   May laya ang bawat tao na magtrabaho at maghanap ng ikabubuhay ng sarili at ng pamilya.  Gayunpaman may limitasyon ang kalayaang ito.  Kabilang sa mga gawaing pangkabuhayan ang mga impormal na gawaing pang-ekonomiya.  Anong anyo ng impormal na gawain ang naglalarawan ng pag-iwas sa pagbabayad ng buwis at maling pagdeklara ng buwis?
A)      Illegal na ekonomiya                                     C)  di-nakareport na ekonomiya
B)      Counter-trade                                                  D) di-nakatalang ekonomiya

44.   Isang salik ang kahirapan sa pagkakaroon ng impormal na sektor ng ekonomiya.  Ayon sa isang ekonomistang Pilipino, karamihan sa mga gawaing impormal sa ekonomiya ay likas na tugon ng karamihang Pilipino na naghihirap.  Sino ang ekonomistang ito?
A)      Andres Castillo                                               C)  Roberto de Ocampo
B)      Bernardo Villegas                                            D)  Leuterio Tolentino

45.   Ang patuloy na paglaganap ng impormal na ekonomiya ang palatandaan ng paghina o pagkawalang-bisa ng mga batas dahil hindi na kaya ng mahihirap ang sumusunod.  Ano ang pwedeng  gawin ng pamahalaan ukol dito?
A)     Pabayaan na lang ang mga gumagawa nito.
B)      Bigyan ng pera ang mga ito upang tumigil na sa nabanggit na gawain.
C)      Magsagawa ng mga programang pangkabuhayan sa mga ito.
D)     Ikulong ang mga taong sangkot sa mga gawaing ito.

46.   Nakasalalay nang malaki ang ekonomiya ng Pilipinas sa pakikipagkalakalan nito sa ibang bansa.  Kaugnay nito ang pagsanib ng Pilipinas sa APEC, isang samahanng mga bansa sa larangan ng pakikipag-ugnayang pang-ekonomiya.  Sa anong rehiyon kabilang ang APEC?
A)     Kanlurang Asya                                                  C)  Asya-Pasipiko
B)      Timog Asya                                                        D)  Hilagang Asya

47.   Ang pagpapadala ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa ay nakatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya.  Dahil dito tinagurian silang mga “Buhay na Bayani” sa kasalukuyang panahon.  Sa anong paraan sila nakatutulong sa ating bansa?
A)     Dahil sa paghihirap nila sa kanilang pamilya.
B)      Dahil naipapakita nila ang tunay na pagkatao ng mga Pilipino.
C)      Dahil sa ipinapadala nilang pera sa kanilang pamilya.
D)     Dahil sa katatagang-loob na ipinamalas para sa bayan.

48.   Ang pakikipagkalakalan sa labas ng bansa ay nakapagbibigay ng malaking tulong para mapaunlad at mapaayos ang mga gawaing pang-ekonomiya ng bansa.  Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga patakaran at programa sa kalakalang panlabas ng bansa?
A)     Pagbubukas ng ekonomiya sa mga malayang puwersa ng pamilihan.
B)      Pagpapatibay ng pagtutulungang pang-ekonomiko at teknikal.
C)      Paghina ng mga produktibong lokal na labis na napabayaan.
D)     Pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaan at pribadong sektor.



49.   Hindi pa lubos na napagtitibay ang malayang kalakalan sa maraming bansa dahil sa pagbabawal na ipinapataw sa mga ito.  Ito’y isang paraan para proteksyonan ang ekonomiya ng isang bansa.  Ang mga sumusunod ay mga balakid sa malayang kalakalan maliban sa . . .
A)     mababalanse ang pandaigdigang pagbabayad
B)      mapangalagaan ang pambansang seguridad
C)      mapangalagaan ang mga nagsisimulang negosyante
D)     mahigitan ang pag-unlad ng ekonomiya ng ibang bansa

50.   Nagsisikap ang bawat bansa na mapaayos ang kalagayang pangkabuhayan nito.  Ito ay isang paraan upang magkaroon ng maunlad na pamumuhay ang mga mamamyan nito.  Ano ang tawag sa kakayahan ng isang bansa na makipagkumpetensya sa ibang bansa?
A)     industriyalisasyon                                              C)  modernisasyon
B)      globalisasyon                                                    D) liberalisasyon




Comments

Popular posts from this blog

MTOT for G10 in Araling Panlipunan: An Impression

NAT Reviewer (2) - Araling Panlipunan IV

The Catcher In The Rye and The Concept of Communication